Monday, August 27, 2007

dahil walang kausap at cable tv

Naisipan ko na magsulat sa tagalog ngayon dahil Agosto. Dahil Buwan ng Wika ang Agosto, sinususpindi ng mga paaralan ang kanilang "Speak in English policy" kaya naisipan ko na ganoon din ang gawin. Nung sinimulan ko kasi angv blogv na ito, isa sa mga hangarin ko ay ang maibalik ang disiplina sa pagvsusulat kaya pinili ko na mag-sulat sa ingvles kasi mas madali magpahayag ngv nararamdaman sa ingles. Halimbawa, yung sinulat ko ng nakaraan. Dapat ay sa tagalog ko iyon isusulat kaso, hindi ako makaisip ng salitang tagalog para sa "crazy", hindi ko magamit ang "kabaliwan" kasi masyadong mabigat ang salitang iyon para sa akin. Hindi naman kabaliwan yung ginawa ko, ang alam ko nagiisip pa ako nung ginawa ko iyon. Higit pa dun, maliit na bagay lang yung ginawa ko, hindi sapat na tawaging kabaliwan. Siguro, hindi ugali ng mga Pinoy na gumawa ng mga ganoong bagay kaya walang salita para doon. Sabihin nyo sa akin kung mayroong salitang tagalog para doon, baka naman nagkakamali lang ako.


Ngayon ko lang napansin na madalas palang ginagamit ang letrang "g" sa mga salitang tagalog. Nagloloko kasi ang keyboard ko ngayon, kapag gumagamit ako ng "g" may lumalabas na kasamang letrang "v" kaya kailangan kong burahin lahat ng letrang "v". Kung may nakaligtaan ako, pasensya na.

Napansin ko din na mas malumay at seryoso ang tono ng pagsusulat ko kapag tagalog ang gamit ko. Sa totoo lang, napansin ko na ito nung nasa kolehiyo pa ako. Kahit subukan ko na lagyan ng kaartehan o komedya, hindi lumalabas na ganoon kadalasan nagiging melo-dramatiko at nag-uumapaw sa damdamin at nahihirapan akong kontrolin.


Sa kalagayan ko ngayon, importante sa akin na manatiling kontrolado ang aking nararamdaman. Kadalasan kasi negatibo ang mga ito, kaya lalong kailangan na kontrolin. Alam ko na may mga naisulat ako na puno ng galit, sabihmin na langv natin na iyon na angv kalahmdongv bersyon. Isipin mo na lang kung nasa tagalog iyon, mas magiging mabigat ang bawat salita baka hindi ko na maisulat at sumabog na lang kumpyuter sa tindi ng galit. Importante sa akin ang maglabas ng hinaing( hindi ba't isa iyon sa silbi ng blog?), lalo na kung galit ito (baka kasi ako ang sumabog) yun nga lang, hanga't maaari sa kalmadong paraan sana.


Hindi ko rin maisip kung paano ko isusulat sa tagalog ang mgva kwento tungkol kay Dollar Boy, baka lumabas na parang nobelang pang-romansa ito. Alam nyo ba ang salitang "flirt" sa tagalog? Landi. Landi ang katumbas ng "flirt" sa tagalog. Hindi iyon bagay sa imahe ko. Bukod pa dun masyadong negatibo ang pananaw sa salitang iyon. Hindi ko ito pwedeng gamitin.


Dahil wala akong magawa kanina, naisipan kong mag-friendster. Hindi talaga ako mahilig mag-friendster pero naisip ko na rin na kamustahin ang mga dating kaibigan, mga minsang hinangaan at minsang kahit kaunti ay minahal. Gusto ko lang malaman kung ano na ang pinag-bago ng buhay nila. Gusto ko din malaman kung may pakialam ako kung ano man ang nagbago sa buhay nila. Sa iba meron, sa iba wala masyado. Siguro kasi, wala namang malaking pagbabago sa buhay nila. O sadyang, hindi na ako interesado sa buhay nila.

Ang hirap talaga ng walang cable tv.

May nakapag-payo sa akin na kalimutan ko na si Dollar Boy kung hindi ko lang din siya yayain lumabas. Ito ay dalawang bagay na hindi ko pwedeng gawin. Nung una, naisip ko na tama siya. Napagdesisyunan ko na kung sa Disyembre ay wala pa ring nangyayari, kakalimutan ko na nga siya. Pero hindi. Ang pag-ibig ay hindi dapat binibigyan ng taning. Sino ako para pangunahan ang kagustuhan ng tadhana? Naghihintay lang ako. Kung darating ang panahon na kailangan ko na nga siyang kalimutan, bibigyan ako ng tadhana ng dahilan at hindi ko na kailangan pilitin ang paglimut sa kanya. Sa ngayon, hayaan ninyo lang ako na matamasa ang mga ngiti niya.