Friday, March 06, 2009

Para kay Rozza

Ikaw at Iyong mga Awit/ Ikaw ang Awit

Lagi mong yakap ang gitara at pinupuno ang bahay ng musika.
Hindi ka na nagkukuwento puwera sa gitarang hingahan ng sikreto.
Pag-ibig ang sinasambit ng awit at nagulat ako na may alam ka dito.

Pag-ibig
-taksil ang salita.
balot ng pait
ang melodiyang
nagpangako ng tamis.

Ngayong ikaw ay natutulog
At walang muwang pinanood,
may luhang nakaalpas sa iyong mata.
Batid kong ikaw mismo gustong makawala.

Palihim mong binubuksan ang tarangkahan
Ng bakuran ng iyong kainosentehan.
Balak mong hanapin ang mundo kung saan
Ang mga awitin ay walang katapusan.

Nagaalangan ako
kung dapat ba akong magtayo ng tore
sa paligid mo at panain
ang sinumang mangangahas
sumakop sa iyo.
o hayaan kang lumaboy
sa siyudad kung saan
ang magnanakaw at bayani
ay magkatabi sa daan.
Kung saan ang pag-ibig
Ay sa awit lang matatagpuan.

Takot ako na maligaw ka sa pasikot-sikot.
At di matagpuan ang mundong inaasam.

pero mas natatakot akong ‘di na marinig ang mga awit mo.

************
i wrote this sometime 2004, but i will always feel this way. always.