Palaging May Ulan ang Pamamaalam
Palaging may ulan ang pamamaalam
Kaya binabaha ng lungkot ang lungsod
Ng pananandaliang pagsasama’t lugod.
Huwag kang lilingon at baka malusaw
Ng asin ang mithing pagbabagong-loob.
Palaging may ulan ang pamamaalam
Kaya binabaha ng lungkot ang lungsod.
Bangkay na lulutang ang panghihinayang
Ngayong nalunod na ang lahat ng pusok
At kuyom sa dibdib ang basang alabok.
Palaging may ulan ang pamamaalam
Kaya binabaha ng lungkot ang lungsod
Ng panandaliang pagsasama’t lugod.
-Michael M. Coroza
So, it's over. I just hate that this poem seems to be always speaking to me. I'm gonna miss feeling like that. And right now, I just don't know anyone who smiles at me the way he does.