Biru mo naman, may isang ina na naghahanap ng hustisya para sa kanyang panganay na binawian ng buhay dahil umano sa hazing. Wala akong sapat na kaalaman tungkol sa mga frat pero may alam ako tungkol sa hinagpis na nadarama sa pagkawala ng minamahal. Hindi ko maalis sa isip ko iyung imahe ng ina nang siya ay mahimatay sa libing ng kanyang anak. At tuwing nakikita ko ang kapatid ng namatay sa balita, naiisip ko na malamang tinatanong niya ngayon sa sarili kung paano pupunan ang pagkawala ng kanyang kuya. Ang mga pangakong naiwan nito, siya na ngayon ang dapat tumupad noon. Masyadong malaki at mabigat ang lahat para maintindihan ng kanyang musmos na isip.
Tapos, may dalawang magkapatid na tinaboy ng kanilang sariling tito na kanilang tinutuluyan. Kahit ang kanilang ina ay hindi sila matulungan.
May mga kabataang lalaki at babae na nakikipagbakbakan sa gera sa kasalukuyan. Madami sa kanila, mas bata pa sa akin. Wala pang pano ang kanilang presidente kung paano at kelan sila papauwiin.
May isang maybahay na wala ng maiharap na mukha sa mga kapit-bahay niya dahil sa pangalawang pagkakataon, pinapablatter na naman ang kanyang mister sa barangay dahil nanggugulo ito. Nakakatanggap din siya ng mga banta galing sa mga nakakaaway ng mister niya.
Nung isang lingo ginunita ang anibersaryo ng martial law. Madami ang nagsasabi na ang mga nangyayari noong panahon ng martial law ay nangyayari ulit ngayon. Ganoon ba talaga tayo kabilis makalimot? Nung isang lingo din ay napanood ko ang palabas na Boston Legal, tumatak sa akin ang pahayag na ginamit bilag closing argument ng isa sa mga bida. Kinuha nila ito sa isang libro na sinulat ng isang kristyanong pastor tungkol sa karanasan niya noong panahon ng mga Nazi. Ito ang salin sa tagalog:
Nang lipulin nila ang mga komunista, hindi ako nagsalita dahil hindi naman ako komunista.
Nang lipulin nila ang mga mamahayag, hindi ako nagsalita dahil hindi naman ako mamahayag.
Nang lipulin nila ang mga hudyo, hindi ako nagsalita dahil hindi naman ako hudyo.
Nang lipulin nila ang mga katoliko, hindi ako nagsalita dahil naman ako katoliko.
Nang ako naman ang nilipul nila, wala nang natira para magsalita.
Ang daming nawawala, ang daming pinapaslang, ang daming anomalya. At ang lahat ng ito ay nangyayari gamit ang maskara ng demokrasya.
O hindi ba, paano ko magawang problemahin ang mga napakababaw na bagay kung ganito ang nangyayari sa mundo? Pero sige, isusulat ko na din ang mga mababaw na bagay na pinag-iintindi ko.
Nakita ko si Jun sa UP at nang kinamusta niya ako ay kinawayan ko lang siya kahit na ang dami kong gustong ikwento sa kanya. Lalo akong nakukumbinse na may mali sa personalidad ko.
Sinabi sa akin ng aking napakagaling na kapatid na hindi siya makapaniwala na nagkagusto ako sa isang tao na hindi ko naman kilala. Si Dollar Boy ang tinutukoy niya. May super powers ang ngiti ni Dollar Boy, ano ang magagawa ko?
Natalo ang UST sa Ateneo noong Linggo. Tapos na ang season nila sa UAAP. Ang mahirap lang sa UAAP, kada taon, may manlalaro na nagpapaalam. Hindi mo alam kung mapapanood mo pa ulit sila maglaro. Makapaglaro man sila sa ibang liga, hindi mo na rin sila ganoon ka-gusto kasi hindi naman na sila naglalaro para sa unibersidad mo. Hay...
Hindi maalis sa utak ang isang linya ng kanta..."Sweet dreams are made of these", wala namang sweet sa mga panaginip ko.
Malapit na ang birthday ni Jona. Ito ang una niyang kaarawan na malayo sa kanyang pamilya at mga kaibigan. hay..
Siguro kailangan ko lang ilathala ang mga ito para maalis na sila sa utak ko.
Magiiwan ako ng kataga galing kay Confucious:
"If you have to shoot for the moon and the stars, that's okay but you have to shoot for something."
pahabol lang,
para sa iyo,
I want to share your fish tank.
Don't worry. I'm small, I won't take so much space.